AnnouncementsUP Buklod-Isip, nanalo bilang Musical of the Year at Best Stage Design sa CSSP Organization Fair 2013!
Nakamit noong Biyernes, Hunyo 21, ng UP Buklod-Isip ang parangal bilang Musical of the Year at Best Stage Design sa CSSP Organization Fair!
Nagsimula ang Organization Fair noong Hunyo 17, Lunes. Itinampok nito ang iba't-ibang organisasyon mula sa CSSP kung saan ito ay may temang tungkol sa iba't-ibang Musical. Napili ng Buklod ang musical na I Do Bidoo Bidoo: Heto nAPO Sila. Pagpupugay sa CSSP Student Council para sa isang matagumpay na linggo! Pagpupugay kay Dr. Virgilio Enriquez bilang "Ama ng Sikolohiyang Pilipino" ngayong Araw ng mga AmaNgayong Araw ng Mga Ama, nais magbigay-pugay ng UP Buklod-Isip sa Ama ng Sikolohiyang Pilipino sa Dr. Virgilio G. Enriquez! Nawa'y matagumpay naming maipagpatuloy ang pagsulong ng sikolohiyang malaya at mapagpalaya!
IDAHO (International Day Against Homophobia, Biphobia, and Transphobia) 2013
Ang sikolohiyang malaya at mapagpalaya ay isang sikolohiyang tutol sa opresyon at eksploytasyon ng ating kapwa tao, anuman ang kasarian.
Ngayong ika-17 ng Mayo, nakikiisa ang UP Buklod-Isip sa pagdiriwang ng IDAHO (International Day Against Homophobia, Biphobia, and Transphobia)! Maraming Salamat sa Makabuluhang Pagdiriwang ng Linggo ng Sikolohiyang Pilipino!Nais naming magpasalamat sa lahat ng tumulong upang gawing makabuluhan at makahulugan ang isang taon ng pagdiriwang ng Linggo ng Sikolohiyang Pilipino! Ipinagdiwang sa linggong ito sa iilang paraan. Una'y nagkaroon ng isang eksibit sa Palma Hall Annex lobby sa kabuuan ng LSP.
Ginanap naman ang SP Career Talk noong ika-20 ng Pebrero, kung saan nagsalita sina Marichu Belarmino ng Philippine Educational Theater Association (PETA), Joseph Lachica ng UP School of Economics, at si Dani Ochoa ng UP Psychology Department. Maraming salamat po! Ginanap din ang Sayawitsan noong ika-22 ng Pebrero sa AS lobby, kung saan nagpakitang gilas ang iba't ibang manananghal upang ipakita ang halaga at galing ng kulturang Pilipino.
Sa Sayawitsan din pinarangalan ang mga nanalo sa Takaw Tingin. Nagbibigay pugay ang UP Buklod-Isip sa nanalo ng grand prize na si Nathan Santos para sa kuha niyang nagngangalang Pinakbet. Muli, marami salamat sa lahat ng sumuporta sa LSP! Huwag sana nating kalimutan na kahit isang linggo lamang ang pagdiriwang na ito, araw-araw nakikita ang kabuluhan at kahalagahan ng Sikolohiyang Pilipino. Tungo sa sikolohiyang malaya at mapagpalaya!
Takaw Tingin - Isang Food Photography ContestInaanyayahan namin kayong sumali sa TAKAW TINGIN, isang food photography contest na inilulunsad ng UP Buklod-Isip bilang bahagi ng pagdiriwang ng Linggo ng Sikolohiyang Pilipino! Para mabasa ang mechanics nito, tumungo lamang DITO. Para sa mga update tungkol sa Takaw Tingin, i-like lamang ang UP Buklod-Isip Facebook fanpage!
Hanggang Enero 31 na lamang ito kung kaya't sumali na kayo! Pagwagi sa Univserity-wide Carolfest 2012Muli naming binabati ang Himig Buklod sa kanilang pagkapanalo ng unang gantimpala, kasama ng College of Engineering, sa University-wide Carolfest 2012 ng UP Diliman noong Biyernes, Disyembre 7, 2012! Ito ang ika-apat na pagkakataong nanalo ng unang gantimpala ang Kolehiyo ng Agham Panlipunan at Pilosopiya sa University-wide Carolfest, at ang ikalawang pagkakataong napanalunan ito ng Himig Buklod (ang huli ay noong 2006).
Nanalo ng ikalawang gantimpala ang College of Law, habang ang ikatlong gantimpala naman ay napanalunan ng College of Science. Pagwagi sa CSSP Carolfest 2012Malugod naming binabati ang opisyal na grupong mang-aawit ng UP Buklod-Isip, ang Himig Buklod, sa kanilang pagkapanalo ng unang gantimpala sa Carolfest ng Kolehiyong Agham Panlipunan at Pilosopiya noong Miyerkules, Disyembre 4, 2012!
Itinanghal ng Himig Buklod ang Pasko Na, Sinta Ko (contest piece), Huwag Kang Matakot (sa pag-aayos ng kasaping si JK Costo), at Santa Claus is Coming to Town. Dahit dito, lalahok ang Himig Buklod sa University-wide Carolfest, na gaganapin sa darating na Biyernes, Disyembre 7, 1PM sa University Theater. Sana'y makadalo tayo upang sila'y suportahan! Panibagong Bos Tsip ng Lupon ng Ugnayang PanlabasIkinalulugod naming ihayag na nagwagi si Shannen Augustine Barcelon sa eleksyon para sa Bos Tsip ng Lupon ng Ugnayang Panlabas na ginanap noong Biyernes, Nobyembre 16, 2012.
Mula sa 58 Kids na bumoto, nakakuha siya ng 56 boto (katumbas ng 96.55 na porsyento) na alinsunod sa ating Konstitusyon ay sapat na bilang upang itanghal siyang BT. Inaasahan namin ang taospuso mong paglingkod sa Bukluran! Pagbati sa Mga Bagong Bukid!Malugod naming binabati ang mga bagong Kids ng UP Buklod-Isip sa kanilang pagtatapos sa proseso ng pagsapi sa nakaraan na buwan ng Okutubre. Nawa'y ipagpatuloy ninyo ang paghahanap ng kabuluhan at, kaakibat nito, ang pagpapalaganap ng isang sikolohiyang malaya at mapagpalaya!
Site Updates06/24: Updated to add the Twitter Account of Buklod, added SP Refresher/Integration Activity and Org Fair Prodwork to 2013-2014 Gallery.
04/07: Updated to add the new members of the LT, added the Buklod shirt and Sabaw shirt to the products page. 12/21: Embedded Daluyan Christmas Issue in the Daluyan Page. 12/18: Added University-wide Carolfest, LuKasiyahan, Induction (Sembreak), and Christmas Party to 2012-2013 Gallery. 12/02: Updated announcements, added hit counter and online users counter, tambuk page, mga lupon, and list of members. 08/27: Added Palarong Pambukluran to Gallery. Added Sa'n Na Si SP? 4. 08/25: Added Gabi ng Anibersaryo and Pakain to 2012-2013 Gallery. Added Buklet page under Kasapian. Tested: Internet Explorer v9.0, Firefox v16.0, Opera v11.6, Google Chrome v23.0, Safari v5.1 Best viewed: Google Chrome and Safari; screen resolutions 1024x768 or larger Quick Links
|
Ang UP Bukluran sa Sikolohiyang Pilipino o UP BUKLOD-ISIP ay isang pang-akademikong organisasyon ng mga mag-aaral ng sikolohiya. Pangunahin sa mga isinusulong nitong samahan ay ang pagtataguyod at pagpapalaganap ng Sikolohiyang Pilipino (SP), isang sikolohiyang sumasalamin sa diwa ng sambayanang Pilipino, at tumutugon sa mga pangangailangan at adhikain nito; isang sikolohiyang malaya, mapagpalaya, at mapagpabagong-isip.
UP Buklod-Isip sa Facebook UP Buklod-Isip FB Fanpage UP Buklod-Isip Twitter Account UP Buklod-Isip iskWiki! page SP: Suot Pinoy sa Facebook Tumbuk: SP Blog Contact Us Quick Links Mga Ugnayan Diksyonaryo ng Buklod Kasaysayan ng Buklod Gallery ng Mga Gawain Mga Miyembro |