Bilang mga mag-aaral ng sikolohiyang Pilipino, mayroon tayong konsepto ng isang ‘kaisipang Pilipino’. (Alam na alam na siguro natin ngayon na ang SP ay isang sikolohiyang bunga ng kaisipan, karanasan, at oryentasyong Pilipino.) At dahil fan rin ako ng biopsych, hindi ko maiwasang isipin na baka nakaugat ang konseptong ito sa hypotetikal na natatanging istruktura ng ating utak - ang ating paraan ng pag-iisip ay repleksyon ng ayos ng mga koneksyon ng ating mga neurons, na bahagyang nabubuo mula sa ating mga karanasan sa ating kapaligiran, at maaaring isa na doon ay ang ating kontekstong kultural. (Basically, it’s possible that culture, to a fault, shapes the structure of one’s brain. Ito na siguro ang premise ng larangan ng “cultural neuroscience”, o ang pag-aaral ng epekto ng kultura sa ayos ng utak.)
Hindi ba nakamamanghang isipin na posibleng mayroong mga katangiang neurolohikal na nagbibigkis sa ating mga Pilipino, bagamat hindi eksaktong magkakasintulad ang ating mga utak dahil sa ating mga sari-sariling konteksto?
Napag-usapan rin namin ni Juli, isa sa ating mga Kids, ang tungkol sa paksang ito. Para raw sa kanyang klase sa Psych 108 (Sikolohiyang Pilipino), nakinig sila sa isang diskusyon mula kay Dr. Danny Tuazon, isang mananaliksik na ngayon ay naka-base sa Tokyo University. Ayon sa kanya, mayroon daw natatanging ayos ang utak nating mga Pilipino (ang “Filipino brain”, ngunit ikinalulungkot ko na hindi ko pa masyadong gamay ang konseptong ito dahil hindi ako masyadong pamilyar sa kanyang pag-aaral) - bagamat hindi pa masyadong popular ang ideyang ito sa diskursong sikolohikal (at maari pa ngang maging target ng skepticism), sa tingin ko ay, para sa isang psych major na naghahangad maging neuroscientist sa hinaharap, isa itong viable na larangan ng pananaliksik na maaaring magbigay sa atin ng ibang paraan ng pag-unawa sa mga mekanismo ng sikolohiyang Pilipino.
Kevin Moalong
Bukid
UP Buklod-Isip