Bago basahin ang entry, basahin muna ang artikulong ito.
Nitong nakaraang bakasyon, habang wala akong ginagawa ay may isa akong artikulo na nabasa mula sa antipinoy.com patungkol sa kung bakit paulit-ulit lang ang nangyayari sa kasaysayan ng ating bansa, lalo na sa aspetong politikal at ekonomikal. Sa umpisa ay maganda ang pahayag ng nagsulat ng paksa dahil sinimulan niya ito gamit ang isang pahayag ni Manuel L. Quezon, “mas nanaisin niyang makita na ang Pilipinas ay pamahalaan ng mga Pilipino na parang impyerno kaysa ang pamamahala nga ay maganda ngunit ang mga Kano naman ang namamahala,” at ang pagtalakay sa isang biro tungkol sa mga Japayuki na kung noon daw ay sapilitan o pwersahang ibinubuka ng mga Hapones ang binti ng mga babae upang makapagparaos, ngayon ay umaasa na lang sila sa kanilang lakas pang-ekonomiya upang ibuka ng mga Japayuki ang kanilang binti ng walang pag-aatubili. At mula sa isang birong iyon ay natalakay ng may akda na kung paano pa rin tayo nakokontrol ng mga mananakop kahit na wala na sila sa ating bansa, o sa madaling salita ay ng konsepto ng neokolonyanismo at imperyalismo. Ngunit nang talakayin na niya ang sanhi kung bakit nga ba ang kasaysayan ng Pilipinas ay paulit-ulit na lang, lalong-lalo na sa apetong politikal at ekonomikal, walang habas niyang sinisi ang kultura ng mga Pilipino kung bakit hanggang ngayon ay hindi pa rin umuunlad ang ating bansa, o sa ibang salita, naniniwala ang may akda sa Damaged Culture Theory ni Fallow. Iginiit pa niya na hindi na dapat sisihin ang mga mananakop sa sitwasyon ng ating lipunan ngayon at bagkus ay responsibilidad natin na hindi magpasakop.
Naiintindihan ko naman ang gustong ipahayag ng may akda sa kanyang artikulo. Sang-ayon naman ako sa sinabi niya na responsibilidad na nating mga Pilipino na gumawa ng paraan upang umunlad ang ating bansa, ngunit tama nga ba na ang kultura lang natin ang dapat sisihin sa patuloy na paglugmok ng ating bansa sa kahirapan? Hindi na nga ba natin dapat sisihin ang mga nanakop sa atin sa kasalukuyang kalagayan natin? Pero bago natin sagutin ang mga katanungang iyan ay dapat muna natin unawain ang naging papel at epekto ng kolonyanismo ng mga mananakop sa ating lipunan at kung paano nito binago ang ating kamalayan na magpahanggang sa ngayon ay nakikita at nararamdaman pa rin.
Hindi maikakaila sa ating kasaysayan na nakaranas tayo ng maraming pananakop mula sa mga dayuhang Espanyol, Amerikano at Hapones. Bawat mananakop ay may layuning gawing kolonya ang ating bansa para sa kanilang pansariling interes, at upang maging matagumpay ang kanilang pananakop ay kinakailangan nilang baguhin ang panlipunang istraktura, gobyerno, ekonomiya o sa mas malalang sitwasyon, ang pamumuhay, paniniwala, pati na rin pag-iisip ng ating lipunan upang umayon sa kanilang interes. Ngunit ang pinakalayunin ng kolonyanismo ay burahin at palitan ang kinagisnang kultura, upang maipakita na tayo’y mahina at mababa at sila’y mas nakahihigit. Ang tatlong nabanggit na mananakop ay pawang gumamit ng dahas upang masakop ang ating bansa o sa ibang salita ay ang konsepto ng Repressive State Apparatus (RSA) na konsepto ni Althusser. Ang unang dalawang mananakop na nabanggit ay gumamit din ng Ideal State Apparatus, o ISA na konsepto din ni Althusser, para sa mas matagumpay na pananakop at ganap na pagkontrol sa ating lipunan. Ang mga Espanyol ay ginamit ang relihiyong Katoliko, ang simbahan, habang ang mga Amerikano naman ay ginamit ang edukasyon, ang paaralan, upang palaganapin ang nais nilang pag-iisip na sila ang mas nakalalamang, na siyang nagbigay daan sa colonial mentality.
Sa colonial mentality o busabos na pag-iisip, naipamamalas nito ang matagumpay na pananakop ng mga dayuhan sa isang indibidwal o lipunan hindi lamang sa pisikal na aspeto, kundi pati sa pag-iisip nito. Sa ating kalagayan, naipapamalas ito sa pamamagitan ng pagtingala at malaking paghanga natin sa mga dayuhan kesa sa ating kapwa Pilipino. Kung sa kasalukuyang konteksto natin titignan, makikita na mas pabor natin ang mga produktong “imported” dahil sa paniniwalang mas maganda at mas de kalidad ang kanilang produkto. Mas pinanunood natin ang mga TV shows at pelikula ng ibang bansa, lalo na ang mga mula sa Amerika, dahil sa tingin natin ay mas makabuluhan ito kumpara sa mga palabas natin dito. Kahit ang mga nakatatag na institusyon sa ating bansa gaya ng paaralan ay may bahid din ng busabos na pag-iisip. Ito’y nakikita sa mga patakarang gaya ng, “no talking in Filipinowhile inside the school premises”. Lahat ito ay epekto ng busabos na pag-iisip na siya namang susi sa matagumpay na neokolonyanismo sa ating bansa.
Sa kasalukuyan, nasa panahon na tayo ng globalisasyon na kung saan ay mas lumalawak ang ating pakikipagkalakaran sa iba’t-ibang bansa, na siya namang may malaking epekto sa ating aspetong ekonomikal, politikal at kultural. Pero kung susuriing mabuti, sino ba talaga ang nakikinabang sa globalisasyon? Mas may naidudulot ba itong maganda sa atin, o mas lalo lamang nitong inilulugmok sa kahirapan ang kalagayan ng ating bansa? May nabasa ako ukol sa kultura ng globalisasyon na ang pamagat ay “Kalagayan ng Sining at Kultura sa Panahon ng Globalisasyon” ni Jenifer Padilla. Ang sabi rito:
“Ang Pilipinas ay nakapailalim sa mga kasunduan at patakarang pinagkaisahan at idinidikta ng mga economic superpowers o mga imperyalistang bansa. Kabilang dito ang mga neoliberal na patakaran ng liberalisasyon, deregulasyon at pribatitsasyon na itinutulak ng International Monetary Fund, World Bank at World Trade Organization lalo na sa mga mahihirap na bansa. Sa gayon ang mga bansang katulad ng Pilipinas ay nagsisilbing mas maluwag na palengke para sa mga produkto at serbisyo ng mga malalaking kapitalista mula sa mayayamang bansa.”
Kung ganoon nga ang epekto sa atin ng globalisasyon, hindi ba’t masasabi nating isa itong uri ng neokolonyanismo? Nagagawa pa rin ng mga nanakop sa atin, kahit wala na sila ritp, at ng iba pang mayayamang bansa na diktahan ang ating ekonomikal, politikal, at kultural na aspeto, lalong lalo na ang ating mga ISA at. Sa tulong ng busabos na pag-iisip ay mas lalo nitong napapaigting ang neokolonyanismo dito sa ating bansa at patuloy na pinahihirapan ang nakararaming Pilipino.
Bumalik tayo sa mensahe ng artikulo. Masasabi pa rin ba natin na ang kultura ang sanhi kung bakit naghihirap ang ating bansa? Talaga nga bang wala na ang mga mananakop sa ating bansa? Kailangan ba talaga natin palitan ang ating kultura nang sa gayon ay umulad din tayo? Isang malaking hindi ang tugon ko dito.
Hindi dapat sisihin ang ating kultura sa hindi pag-unlad ng ating bansa, dahil hindi naman ito ang tunay na dahilan. Nandyan pa rin ang mga mananakop na gumagamit ng makabagong paraan upang makamit ang kanilang pansariling interes, at sa tulong ng busabos na pag-iisip na kanilang itinanim sa ating lipunan ay mas napapadali ang kanilang pagsasamantala sa atin. Hindi na nga nila tayo sakop sa pisikal na aspeto ngunit ang ating pag-iisip ay kanila pa ring hawak.
Pero gaya nga ng sinabi ng may akda ng artikulo, kailangan pa rin nating kumilos upang paunlarin ang ating bansa. Kailangan nating kumilos upang maputol na ang ganitong pagsasamantala sa ating lipunan. Kailangan nating kumilos upang supilin ang busabos na pag-iisip na itinanim nila sa atin. Sabi nga, ”it takes two to tango”. ☺
Tungo sa malaya, mapagpalaya, at mapagpabagong-isip na sikolohiya!
Miggy Panganiban,
Bukid
UP Buklod-Isip