Ang Mga BukletBuklet o pinaikling Let ang tawag sa mga aplikante ng Bukluran. Sumasailalim ang mga Let sa proseso ng pagsapi (app process) ng Bukluran, at ituturing ganap na Bukid kapag pumasa ito sa prosesong nasabi at induksyon.
Upang makatulong sa mga Let na sasapi sa ika-31 anibersaryo ng Bukluran, mayroon kaming handog na munting booklet na magsisilbing gabay niyo sa inyo pagsapi sa Bukluran. Heto rin ang ilang mahahalagang pahina ng websayt na sana'y makatulong sa inyong pagsasapi, lalo na inyong mga pagdaraanan upang maging ganap na miyembro ng Buklod: preyambol, mga paninindigan at adhikain, Buklod song, at ang mga ugnayan. Ang mga ito ay mahahanap din sa inyong SP Primer.
|
Ang UP Bukluran sa Sikolohiyang Pilipino o UP BUKLOD-ISIP ay isang pang-akademikong organisasyon ng mga mag-aaral ng sikolohiya. Pangunahin sa mga isinusulong nitong samahan ay ang pagtataguyod at pagpapalaganap ng Sikolohiyang Pilipino (SP), isang sikolohiyang sumasalamin sa diwa ng sambayanang Pilipino, at tumutugon sa mga pangangailangan at adhikain nito; isang sikolohiyang malaya, mapagpalaya, at mapagpabagong-isip.
UP Buklod-Isip sa Facebook UP Buklod-Isip iskWiki! page SP: Suot Pinoy sa Facebook Tumbuk: SP Blog Contact Us Quick Links Mga Ugnayan Diksyonaryo ng Buklod Kasaysayan ng Buklod Gallery ng Mga Gawain Mga Miyembro |