Tungkol sa BukluranAng UP Bukluran sa Sikolohiyang Pilipino o UP Buklod-Isip ay isang pang-akademikong organisasyon ng mga mag-aaral ng sikolohiya. Pangunahin sa mga isinusulong ng aming samahan ay ang pagtataguyod at pagpapalaganap ng Sikolohiyang Pilipino (SP), isang sikolohiyang tunay na sumasalamin sa diwa ng sambayanang Pilipino at sa gayon ay tunay ding tumutugon sa mga pangangailangan at adhikain nito. Ito’y isang sikolohiyang malaya, mapagpalaya at mapagpabagong-isip.
Dahil naniniwala ang UP Buklod-Isip sa mahalagang papel ng sikolohiya sa pagsusuri at pagbabago ng lipunan, aktibo itong nakikilahok sa pagtugon sa mga isyung kinahaharap ng lipunang Pilipino. Itinataguyod nito ang pagsasakapangyarihan o empowerment bilang pinakamabisang paraan ng pagtugon sa pangangailangan nating mga Pilipino. Ang mga prinsipyong nabanggit ang siyang gabay ng UP Buklod-Isip sa pagtatag at patuloy na pagtaguyod sa Buklod CSSP, kasama ang iba pang organisasyon. Kabilang din ang UP Buklod-Isip sa CSSP Academic Circle. Bukod dito, ang Bukluran ay aktibong miyembro ng Tatsulok at RH AGENDA. Tumungo rito para sa detalyadong talaan ng mga ugnayan ng Bukluran. Itinatag ang Bukluran noong Agosto 14, 1981. Ang unang pangulo nito ay si Roberto Galvez habang si Dr. Virgilio Enriquez naman ang naging tagapayo. Pamunuan ng BukluranSa saligang batas noong itinatag ang samahan, mayroong pitong kasapi ang Lupong Tagapagpaganap: ang Tagapangulo, ang Pangkalahatang Kalihim, at ang mga direktor ng limang natitirang lupon. Sa akademikong taong 1983 - 1984, binuo ang Lupon ng Aklatan, at ang unang direktor nito ay si Lizamarie Punongbayan. Sa taong 1991 - 1992, sa pamumuno ni Shella Quezada, binigyan ng pinaikling mga pangalan ang mga titulo ng mga posisyon sa Lupong Tagapagpaganap. Sa taong 1994 - 1995, ginawang hiwalay na lupon ang Daluyan, ang opisyal na pahayagan ng Bukluran, na dating nasa ilalim ng Lupon ng Paglalathala at Publisidad; bagaman sa nakaraan ay mayroon nang punong patnugot ang Daluyan, ang naging unang direktor nito sa Lupong Tagapagpaganap ay si Leah Marie Arrojado.
|
Ang UP Bukluran sa Sikolohiyang Pilipino o UP BUKLOD-ISIP ay isang pang-akademikong organisasyon ng mga mag-aaral ng sikolohiya. Pangunahin sa mga isinusulong nitong samahan ay ang pagtataguyod at pagpapalaganap ng Sikolohiyang Pilipino (SP), isang sikolohiyang sumasalamin sa diwa ng sambayanang Pilipino, at tumutugon sa mga pangangailangan at adhikain nito; isang sikolohiyang malaya, mapagpalaya, at mapagpabagong-isip.
UP Buklod-Isip sa Facebook UP Buklod-Isip iskWiki! page SP: Suot Pinoy sa Facebook Tumbuk: SP Blog Contact Us Quick Links Mga Ugnayan Diksyonaryo ng Buklod Kasaysayan ng Buklod Gallery ng Mga Gawain Mga Miyembro |