Mga Lupon
1. LUPONG TAGAPAGPAGANAP (LT)
Kasalukuyang Bos Tsip Tsip (BTT): Gabriela Victoria "Gabi" Timbancaya Ito ang lupon na binubuo ng mga BT ng mga lupon at pinamumunuan ng BTT. Ito ang tinatawag din na Executive Committee. Sila ang namumuno sa mga gawain ng Bukluran at nagtataas sa GA ng mga kailangang pagdesisyunan. 2. LUPON NG KASAPIAN (LuKas) Kasalukuyang Bos Tsip (BT): Arisa "Saish" Saisho Ang lupon na namamahala sa aplikasyon ng mga Lets at nangangalaga sa mga pangangailangan, sentimyento, at tunguhan ng Bukids. 3. ANG DALUYAN Kasalukuyang Bos Tsip (BT): Michelle Yzabel "Mitch" Alcantara Ang Daluyan ang opisyal na pahayagan ng Bukluran. Ang lupon na ito ang namamahala sa pagkalap, pagtanggap, at pagpili ng mga sulatin na ilalathala sa Daluyan. 4. LUPON NG AKLATAN (LupAk) Kasalukuyang Bos Tsip (BT): Lizette "Liz" Inocencio Ang bouncer ng AVE. Namamahala ang lupon na ito sa schedule ng pagbantay sa AVE at pag-organisa nito. 5. LUPON NG PANANALAPI (LuPan) Kasalukuyang Bos Tsip (BT): Arisa "Saish" Saisho Ang lupon na pera lang ang iniisip - paano gumawa nito, paano gumastos nito, at paano sabihing wala na tayo nito. 6. LUPON NG GAWAING PANGKALINANGAN (LuGaw) Kasalukuyang Bos Tsip (BT): Hadassah Mae "Hae" Vera Cruz Hindi ito nilalagyan ng toyo, kundi ang lupon na nagsasagawa ng mga gawain para ipaunlad ang sining at kulturang Pinoy, tulad ng Tsibugang Pinoy at Sayawitsan. 7. LUPON NG PAG-AARAL AT PANANALIKSIK (LuPag) Kasalukuyang Bos Tsip (BT): Vince Elic "Vince" Maullon Ang lupon na namamahala sa mga pananaliksik at paglinang sa kaalaman at pag-unawa sa mga miyembro ng Bukluran sa SP (tulad ng ACLE). 8. LUPON NG PAGLALATHALA'T PUBLISIDAD (LuPaP) Kasalukuyang Bos Tsip (BT): Carissa "Pochi" Gutierrez Ang lupong nagpapakalat ng angking kagalingan ng Kids sa pagguhit, pagdidisenyo at pagiging malikhain sa maraming bagay, tulad na lang ng website na ito. 9. LUPON NG UGNAYANG PANLABAS (LupUs) Kasalukuyang Bos Tsip (BT): Jessica Catrina "Aica" Sta. Isabel Ang lupong nakikipag-ugnayan sa mga affliates ng Bukluran, at nangangalaga sa relasyon ng Bukluran sa mga alumni o Bukbok. Mga Nagsilbi Bilang Bos Tsip Mula 1981 |
Ang UP Bukluran sa Sikolohiyang Pilipino o UP BUKLOD-ISIP ay isang pang-akademikong organisasyon ng mga mag-aaral ng sikolohiya. Pangunahin sa mga isinusulong nitong samahan ay ang pagtataguyod at pagpapalaganap ng Sikolohiyang Pilipino (SP), isang sikolohiyang sumasalamin sa diwa ng sambayanang Pilipino, at tumutugon sa mga pangangailangan at adhikain nito; isang sikolohiyang malaya, mapagpalaya, at mapagpabagong-isip.
UP Buklod-Isip sa Facebook UP Buklod-Isip iskWiki! page SP: Suot Pinoy sa Facebook Tumbuk: SP Blog Contact Us Quick Links Mga Ugnayan Diksyonaryo ng Buklod Kasaysayan ng Buklod Gallery ng Mga Gawain Mga Miyembro |