Mga PaninindiganAng Bukluran ay may mga sumusunod na mga paninindigan:
1. Ang Bukluran ay naninindigan na mahalaga ang papel ng Sikolohiya sa pagsusuri at pag-unlad ng lipunan. 2. Ang Bukluran ay naninindigang hindi maaaring ihiwalay ang indibidwal sa kanyang lipunan. 3. Ang Bukluran ay naninindigang may kakayahan ang bawat tao na makibahagi sa paghubog ng lipunan. 4. Ang Bukluran ay naninindigang kailangang suriin ang lipunan dahil malaki ang impluwensiya nito sa pag-iisip at pagkilos ng isang indibidwal. 5. Ang Bukluran ay naninindigan sa isang Sikolohiyang sumasalamin at umaangkop sa diwa ng Sambayanang Pilipino. 6. Ang Bukluran ay naninindigang makibahagi sa pagpapaunlad at pagpa- payabong ng Sikolohiyang Pilipino. 7. Ang Bukluran ay naninindigang ang Sikolohiya, upang maging makabuluhan, ay kailangang tumugon sa pangangailangan at interes ng Sambayanang Pilipino, higit sa lahat ang masang Pilipino. Mga AdhikainAng Bukluran ay may mga sumusunod na adhikain:
1. Buklurin ang mga mag-aaral sa Sikolohiya tungo sa paglilinang ng isang Sikolohiyang Pilipino. 2. Palawakin ang pagkakaalam, pagsusuri at pagpapalagananp sa isang Sikolohiyang sumasalamin sa diwa ng Samabayanang Pilipino. 3. Suriin ang mga suliranin ng lipunang Pilipino upang magmungkahi at makibahagi sa kalutasan ng mga suliraning ito. 4. Suriin at punahin ang mga diwa at kaisipang dulot ng mahabang panahong pagkakasailalim ng ating bansa sa dayuhan. 5. Maiangat ang mga resulta ng pagsisiyasat sa antas ng teyoretikal upang magamit muli sa ikauunlad ng Sikolohiya. 6. Paunlarin ang diwang makamasa sa lahat ng mag-aaral ng Sikolohiya at yakaging gamitin ang kanilang nalalaman sa paglilingkod sa masang Pilipino. |
Ang UP Bukluran sa Sikolohiyang Pilipino o UP BUKLOD-ISIP ay isang pang-akademikong organisasyon ng mga mag-aaral ng sikolohiya. Pangunahin sa mga isinusulong nitong samahan ay ang pagtataguyod at pagpapalaganap ng Sikolohiyang Pilipino (SP), isang sikolohiyang sumasalamin sa diwa ng sambayanang Pilipino, at tumutugon sa mga pangangailangan at adhikain nito; isang sikolohiyang malaya, mapagpalaya, at mapagpabagong-isip.
UP Buklod-Isip sa Facebook UP Buklod-Isip iskWiki! page SP: Suot Pinoy sa Facebook Tumbuk: SP Blog Contact Us Quick Links Mga Ugnayan Diksyonaryo ng Buklod Kasaysayan ng Buklod Gallery ng Mga Gawain Mga Miyembro |