Ang Proseso ng PagsapiGusto mo bang magkaroon ng maituturing na pamilya sa UP? Naghahanap ka ba ng isang organisasyong may kabuluhan at kahulugan?
Ano pang hinihintay mo? Sumali na sa UP Buklod-Isip! Ang kasapian ay bukas sa lahat ng mag-aaral na: a. Nagdadalubhasa sa Sikolohiya b. Mag-aaral ng ibang kurso na may naipasang siyam (9) na unit sa Sikolohiya, o c. May naipasang anim (6) na unit sa Sikolohiya sa kundisyong ang isa rito ay Psych 108 o Sikolohiyang Pilipino. Ang mga nais magsapi ay tinatawag na BUKLET. Ang kabuuang proseso ay binubuo ng Objective at Subjective na bahagi. I. Objective Ang parteng ito ay binubuo ng:
II. Subjective Sa bahaging ito kasama ang deliberations ng mga Bukid sa mga Buklets, at pati na rin ang deliberations ng Buklets sa kanilang kapwa Buklets. Dahil naniniwala ang Buklod sa halaga ng pakikipagkapwa, malaki ang naitutulong ng lubusang pakikipagsapalaran sa mga Bukid at kapwa Buklet sa deliberations. Bilang karagdagan, ang bawat batch ng mga Buklet ay kinakailangang magsagawa ng isang group project para sa ikabubuti ng Bukluran. Ang Buklet na pumasa sa Objective at Subjective na bahagi ng prosesong ito ay tataguriang Saling Kid o SK. Kapag nakadalo na ito sa induksyon ay saka siya kikilalanin bilang isang ganap na Bukid. :) Kayang-kaya diba? Excited na kaming makasama ka sa aming pamilya! ;) |
Ang UP Bukluran sa Sikolohiyang Pilipino o UP BUKLOD-ISIP ay isang pang-akademikong organisasyon ng mga mag-aaral ng sikolohiya. Pangunahin sa mga isinusulong nitong samahan ay ang pagtataguyod at pagpapalaganap ng Sikolohiyang Pilipino (SP), isang sikolohiyang sumasalamin sa diwa ng sambayanang Pilipino, at tumutugon sa mga pangangailangan at adhikain nito; isang sikolohiyang malaya, mapagpalaya, at mapagpabagong-isip.
UP Buklod-Isip sa Facebook UP Buklod-Isip iskWiki! page SP: Suot Pinoy sa Facebook Tumbuk: SP Blog Contact Us Quick Links Mga Ugnayan Diksyonaryo ng Buklod Kasaysayan ng Buklod Gallery ng Mga Gawain Mga Miyembro |