TambukAng Tambuk ay ang tambayan ng UP Buklod-Isip. Mahahanap ito sa East Wing ng Palma Hall, malapit sa girl's CR at palabas ng gusali papuntang Casaa.
Sa Tambuk nagsasama-sama ang mga Bukid upang tumambay, mag-usap, makipagkwentuhan tungkol sa love life, acad life, social life, at kung anu-ano pa. Dito lumalalim ang antas ng tunguhan ng mga Bukid kung kaya't masasabing mahalagang parte ito ng kultura ng Bukluran. Mahahanap din dito ang mga Bukbook, o ang logbook ng Bukluran. Dito nakatala ang mga pinagmumuni-munihan ng mga Bukid, madalas kasama ng komentaryo ng iba pang Kids. Hindi madaling mapanatiling malinis ang Tambuk sa loob ng isang buong taong pang-akademiko, man lang isang semestre, kung kaya't mayroong nagaganap na Tambuklinis sa pagtatapos ng bawat semestre. Kasama nito isinasagawa ang Tambukbihis, kung saan naman binabago ang disenyo ng Tambuk upang maging angkop sa mga pangyayari sa hinahanarap na semestre. |
Ang UP Bukluran sa Sikolohiyang Pilipino o UP BUKLOD-ISIP ay isang pang-akademikong organisasyon ng mga mag-aaral ng sikolohiya. Pangunahin sa mga isinusulong nitong samahan ay ang pagtataguyod at pagpapalaganap ng Sikolohiyang Pilipino (SP), isang sikolohiyang sumasalamin sa diwa ng sambayanang Pilipino, at tumutugon sa mga pangangailangan at adhikain nito; isang sikolohiyang malaya, mapagpalaya, at mapagpabagong-isip.
UP Buklod-Isip sa Facebook UP Buklod-Isip iskWiki! page SP: Suot Pinoy sa Facebook Tumbuk: SP Blog Contact Us Quick Links Mga Ugnayan Diksyonaryo ng Buklod Kasaysayan ng Buklod Gallery ng Mga Gawain Mga Miyembro |