Kanina, fish fillet with tofu and black beans. Para sa panghimagas naman, froyo. Apple cinnamon, choco mallows, berry at choco syrup yung toppings. Kahapon naman, phat thai, gai thaawt at bpuu khaao ang hapunang pinagsaluhan namin ng aking nakatatandang kapatid sa paborito naming Thai restaurant. Sa loob ng isang buwan, sigurado akong lalabas kaming mag-anak upang kumain naman ng lutong Hapon.
Malimit na kapag kumakain sa labas, mga putaheng banyaga ang aking natitikman, habang mabibilang sa isang kamay ang mga pagkakataong kumain kami sa mga lugar na ang inihahaing mga putahe ay sariling atin.
Sa tingin ko nama’y hindi ito tahasang pagtanggi sa lutong Pinoy. Nagkataon lamang na 1) mas makakamura na kumain na lamang sa bahay, 2) mawawala ang pagka-espesyal ng mga putaheng kadalasan lamang niluluto kapag may piyesta o mahahalagang okasyon at 3) may kanya-kanyang nakasanayang/nakahiligang pagkakaluto ng isang partikular na ulam.
Ang huli sa mga dahilang ito siguro ang pinaka-nakakapaglarawan sa kinikilalang pambansang putahe ng Pilipinas- ang ADOBO.
Nakatutuwang isipin na ang pagkakaiba-iba ng mga sangkap at paraan ng pagkakaluto ng putaheng tulad ng adobo ay makikitang nakatali sa ating heograpiya. Masasabing halos lahat ng pamilya’y may kani-kanyang paraan ng pagluto ng adobo at ang pagkakasama ng iba’t ibang mga lasa sa putaheng ito - ang tamis, alat at asim, pati minsan, anghang, ay maihahalintulad sa ating mga Pilipino at sa ating sikolohiya.
Ang paraan ng pagluluto’y hango mula sa España, ngunit upang maiangkop sa ating konteksto, kaysa olive oil, paprika at thyme, ginamit natin ang mga sangkap na madaling makukuha mula sa ating paligid. Ang pag-angkop ng banyagang pamamaraan at paggamit, paglutang ng mga katutubong sangkap ay ginagawa rin ng Sikolohiyang Pilipino upang makapagluto ng masasarap na putahe mapag-aralan ang mga konseptong angkop sa atin at swak sa Pilipinong panlasa.
Pero ang tanong ngayon: Alin ang mas dapat gamitin sa pagbuo ng mga konsepto ng Sikolohiyang Pilipino? Ang pag-aangkop ng mga konseptong banyaga o ang pagpapalutang ng mga katutubong konsepto?
Mahirap sabihin kung alin dito ang mas tama. Parehong may kalakasan ang pag-aangkop mula sa labas at ang pagpapalitaw ng nasa loob. Ngunit tulad nga ng adobo, may makapagsasabi ba kung aling paraan ng pagluluto ang dapat maging huwaran?
Baka ang tiyan ko lang ang nag-iisip ng katanungang iyan. Palibhasa, gutom.
Lui Lioanag
Saling Bukid
UP Buklod-Isip
Ang larawan sa post na ito ay gawa ni Lui Lioanag. At para sa mga gutom pa, narito ang mga link na nakatulong sa pagtimpla ng post na ito: NFCTD Tumblr, NY Times.