Naglalakad ka patungong Palma Hall – ay, hindi pala Palma Hall ang tawag doon, Ayan, lalo ka tuloy napagkamalang freshie. Nagmamadali ka, patakbo-takbo pa kahit mistulang wa-epek naman. E, ‘di ba hindi naman mahirap lumakbay papuntang AS mula CHK sa loob ng labing-limang minutong grace period (na minsa’y hindi rin naman sinusunod ng propesor niyo)?
Hindi. Kasi naman, intindihin mo ang konteksto.
Papasok ka sa kwarto. Pasulyap-sulyap ka pa sa Form 5 mo kasi pakiramdam mo mali yung pinasukan mo. Itatanong mo pa sa katabi mo kung anong seksyon ‘tong klaseng ‘to. Tutal, hindi ba’t ang THX o ang WFW ay mga letrang pinagsama-sama lang nang walang dahilan?
Mali. Kasi naman, matuto kang humanap ng kabuluhan.
Tanghali na, at sa wakas ay makakakain ka na. Ngunit siyempre, kahit isa’t kalahating oras pa yang break mo, ilang minuto ka munang makikipag-siksikan sa CASAA bago mo mabili yung masarap na liempo sa Lunch Box. Titigil ka sandali at mapapaisip… Sulit nga ba ang pagpipila mo rito?
Oo. Kasi naman, swak sa’yo ang panlasang Pilipino.
Lalakad ka ulit papunta sa susunod mong klase. Gulat mo lang na sa unang araw pa lang ng pagkikita ninyo ay may group work na agad kayo. Titingin ka sa taong nasa kanan mo, tapos sa kaliwa – keri niyo naman siguro ‘to. Nasa kolehiyo na kayo, hindi ba’t dapat wala nang pag-aalanganin pag dating sa mga ganito?
Hindi rin. Kasi naman, hindi pa malalim ang antas ng pagtutunguhan ninyo.
Kung akala mong diyan natatapos ang araw mo, nagkakamali ka. Siyempre, wala kang balak palampasin ang pagkakataong dumaan sa Tambuk. Pagdating mo roon, wagas na kapaguran lang ang bakas sa mukha mo. Hindi ka pa kasi sanay sa buhay-kolehiyo, tapos mukhang gagabihin ka pa sa pag-uwi. Ngunit nang maupo ka at mapa-bugtong-hininga, makikita ka ng BTT niyo, at sasabihin niya, “O diba? Isn’t it nice to go back to Buklod’s loving arms at the end of a haggard day?”
Syempre. Kasi para sa’yo, ang Buklod ay hindi ibang tao.
Tracy Ravina
Bukid
UP Buklod-Isip