Noong nakaraang sembreak lang ay nagkausap kami ni Warden, isang ‘Kanong pastor na madalas nagpri-preach sa munting komunidad namin sa La Union. Psychologist pala siya dati. Nahalina sa ganda ng Pilipina at nagpasyang magpakasal at manirahan sa Pinas.
Isa sa mga napag-usapan namin ay ang patuloy na pagiging di-abot kaya ng psychology sa mga karaniwang tao. Going to your shrink? That’s cool! ang madalas umanong banat ng mga kababayan niya. Bakit daw kaya dito sa Pinas, partikular sa aming pamayanan, kung ikaw ay magpapakonsulta ay awtomatik na mayaman ka at may ekstrang kwartang pang-therapy. Kung hindi man ay talagang abnoy ka lang at nangangailangan ng agarang lunas. Eto ha, totoo ‘to, banat ba naman sa akin ng mga kaibigan ko sa probinsya: Juli, may problema ako, I-psych mo naman ako pwede? (Okay, psych 101 pa lang ang nakuha kong subject, magbolahan nalang kaya tayo, baka mas makatulong pa.)
Bagamat bukod-tangi ang makarinig ng saloobin ng isang dayuhang maalam sa psych, nakakalungkot pa ring isipin na nananatiling realidad ang pagiging malayo ng psych sa karaniwang tao. Dapat universal ang psych diba? Yung tipong walang pinipiling kasarian, edad, relihiyon, lahi, edukasyon, hanapbuhay, itsura, wika, pagkatao. Hindi lang para sa mayaman o malubhang may sakit ang psych. Dapat kapaki-pakinabang ito para sa lahat. Teka, ayoko ng psych. tunog foreign yata masyado. Tingin ko mas swak yung Sikolohiya.Sikolohiyang Pilipino.
Mga Pilipino naman tayong lahat, hindi ba? Weh, hindi rin kaya! Maraming rin kayang mga expat sa bansa, tulad nalang ni Warden. Marami rin ang hindi Pilipino sa diwa. At higit na mas marami pang ibang tao sa iba pang panig ng mundo. Pero bakit swak pa rin ang sikolohiyang Pilipino para sa lahat?
Ito ay dahil tunay na naglalayon ng unibersalidad ang Sikolohiyang Pilipino. Sa pagtingin sa mga kaugalian natin gamit ang mga pamamaraang nag-ugat sa sarili nating kultura, nakikita hindi lamang ang katingkaran ng pagiging Pilipino kundi pati na rin ang diversity atuniqueness ng lahat ng tao. Di alintana ang mga differences na patuloy na humahadlang sa (babala: cheesy) pagbubuklod ng diwa at damdamin ng sangkatauhan.
Isa pa sa nakikita kong dahilan kung bakit swak ang SP para sa lahat ay dahil tamang-tama lamang ang timpla nito ng agham at kilusan. Eto ang totoo: Ang SP, may ipinaglalaban rin. Ipinaglalaban nito ang nakararami, ang masa, ang mga naaapi, ang mga napagkakaitan ng kaalaman at kalunasan bunsod ng di-wastong bias sa mga kakaunting nakatataas, mga may salapi/may posisyon sa gobyerno at therefore may kapangyarihan. Hindi lang naman sila ang nangangailangan ng sikolohiya. Sa kabilang banda, kung ang SP ay isang purong agham lang naman, katakot-takot ang mga posibilidad na maaaring paggamitan nito. Tulad ng Pisikang ginagamit rin upang makalikha ng mga eroplanong hatid ay kamatayan mula sa kalangitan, o ng Kemistring ginagamit rin upang magpahaba sa buhay ng mga pagkain sa di-natural at mapanganib na paraan, ang SP ay maaaring maging hindi para sa lahat— kundi laban sa kanila, kung hindi ito naging isang kilusan.
Sa ngayon, maaaring tama nga si Manong Warden. Marahil ay kinakailangan pa ng kaunting panahon at maraming effort para tuluyang mailapit ang SP sa mas malawak na populasyon. Kung ang Chuck Taylors at ang mga inuming may sago nga ay pumatok, eh. Balang araw, su-swak rin ang SP sa panlasa natin. Lalo pa at sa simula’t sapul pa lang, isinaalang-alang na ang kapakanan ng lahat sa paglilikha nito.
Juli Arguilla
Saling Bukid
UP Buklod-Isip