Sa aking pagkuha ng Psychology 199 (Internship) ngayong summer, naranasan kong makihalubilo sa iba’t ibang tao sa St. Luke’s Medical Center, Quezon City. Naitakda akong maging trainee sa Corporate Training Section ng Human Resources Division ng kompanya. Pokus naming mabigyan ng sapat na kaalaman at pagsasanay ang bawat empleyado nang sa gayo’y makapagtrabaho sila nang mahusay at makapaglingkod sa bawat pasyente at parokyano. Kakaibang karanasan ito dahil lubos akong napasubo sa pagharap, paglilingkod, pagtuturo, at pagpapasaya sa mga tao.
Ang kurikulum namin bilang trainee sa CTS ay may dalawang bahagi: administrative tasks at program logistics. Naging bahagi kami ng tatlong yugto ng program logistics: 1) pre-conduct, 2) conduct proper, at 3) post-conduct. Inihanda namin ang lahat ng kailangan sa programa, mula sa mga materyales hanggang sa mga kalahok at nagkakaroon kami ng ebalwasyon sa bawat pagtatapos nito.
Sa paghahanda para sa mga programa, nabigyan ako ng pagkakataong makilala ang iba’t ibang empleyado sa mga departamento. Nakaharap at nakausap ko ang mga empleyadong nasa iba’t ibang posisyon – mula sa housekeeper hanggang sa manager. Pagdating sa pakikihalubilo, natutunan kong malaki ang naitutulong ng pagiging masiyahin at palangiti dahil nararamdaman ng mga kausap mo na komportable at masaya ka sa ginagawa mo. Mahalagang ipakita mong puno ka ng lakas para gawin ang trabaho mo dahil makakaapekto ito sa pagkilos ng ibang katrabaho. Imbis na kakitaan ka nila ng kapaguran, kailangan maging inspirasyon ka nila sa pagiging masigasig. Hindi lang dahil bahagi ako ng Training Section ngunit dahil mag-aaral akong (nagmula sa UP at) may pagmamahal at dedikasyon sa gawaing inilatag sa akin.
Ang pinakapaborito ko sa lahat ay ang pagbibigay sa amin ng pagkakataong maging isa sa mga tagapagdaloy ng mga programa. Dito nahasa ang kakahayan kong magsalita nang walang kaba sa harap ng mga tao at hanapin ang kiliti ng mga kalahok. Naging mas maingat ako sa pagkilos at pakikihalubilo gamit ang pakikiramdam, pakapa-kapa, at pag-alam ng inyong antas ng patunguhan.
Mahalaga ang papel ng pakikiramdam sa anumang trabaho. May mga empleyadong makikipagkwentuhan sa’yo at kikilalanin ka, mayroon namang purong trabaho ang aasahan sa’yo. May mga empleyadong handang makipagbiruan, mayroon namang mabilis mainsulto. May mga madaling lapitan, mayroong matataray. May mga madadali at mahirap pakibagayan. Iba-iba pala talaga ang ugali ng makakatrabaho natin sa mga organisasyon at kompanya – higit pa sa inakala ko noon. Gayunpaman, kailangan nating tandaang kapwa natin silang makakatrabaho sa iisang kapaligiran at sa iisang kultura. Makakabuti kung ngayon pa lang ang sinasanay na natin ang ating kakayahang makiramdam upang pagdating ng panahon, madadalian na tayong makitungo sa ating kapwa.
Ayesha Marie Volpane
Bukid
UP Buklod-Isip