Malimit mo siyang makita sa daan
Bitbit ang isang sanggol
Hawak ang isang lata
Nanlilimos para sa iyong barya
Nakasabay mo siya sa tren
Nakapostura, nakakurbata
Dama mo ang kanyang kaba
Hangad niyang magkatrabaho na
Sa hapag kainan ay hain mo
Ang kanyang pinaghirapan
Sa ilalim ng mainit na araw
Sa lupang sinasakang hindi kanya
Habang ika’y nahihimbing sa pagtulog
Nagsisimula pa lang ang araw niya
Puhunan niya ay ang kanyang boses
Banyagang wika ang gamit niya
Iba-ibang mukha, iba-ibang pagkakataon
Bahagi sila ng isang malaking kabuuan
Hindi ka nahihiwalay sa kanila
Kaisa ka sa kanilang karanasan
Mulat kayo sa iisang kamalayan
Dominic Ramirez
Bukbok
UP Buklod-Isip
Bitbit ang isang sanggol
Hawak ang isang lata
Nanlilimos para sa iyong barya
Nakasabay mo siya sa tren
Nakapostura, nakakurbata
Dama mo ang kanyang kaba
Hangad niyang magkatrabaho na
Sa hapag kainan ay hain mo
Ang kanyang pinaghirapan
Sa ilalim ng mainit na araw
Sa lupang sinasakang hindi kanya
Habang ika’y nahihimbing sa pagtulog
Nagsisimula pa lang ang araw niya
Puhunan niya ay ang kanyang boses
Banyagang wika ang gamit niya
Iba-ibang mukha, iba-ibang pagkakataon
Bahagi sila ng isang malaking kabuuan
Hindi ka nahihiwalay sa kanila
Kaisa ka sa kanilang karanasan
Mulat kayo sa iisang kamalayan
Dominic Ramirez
Bukbok
UP Buklod-Isip