Ang hirap pumili ng isusulat
Noong isang araw, may kausap akong kaibigan (itago natin siya sa pangalang Vambolina). Tinanong ko siya kung ano bang keri na isulat bilang blog entry sa panahon ng Pasko. Sa totoo lang, kahit sa personal kong blog, hindi ako mahilig magsulat tungkol sa Pasko kasi sa tingin ko anumang maisusulat ko, naisulat na dati – at paulit-ulit pa. Sadyang ganon ang halaga at bigat ng panahon ng Pasko sa puso ng mga tao.
Payo sakin ni Vambolina: “E malamang wag ka nang magsulat tungkol sa ‘meaning of Christmas’. Jose Mari Chan ang labas mo niyan. Sampahan ka pa niya ng kaso for plagiarism.”
Natawa naman ako habang iniimagine si Jose Mari Chan na binabasa ang blog na ito at tumatawag ng abogado. Pero naisip ko, kung ako kaya si Jose Mari Chan ano pang pwede kong isulat na orihinal tungkol sa Pasko? Parang wala na, liban na lang sa mga karanasang sa akin lang nangyari.
Sa katunayan, hindi masyadong naging bongga ang Pasko para sa akin, kaya nagdalawang-isip akong magsulat tungkol sa mga karanasan kong iyon ngayong Pasko. Haggard naman kasi basahin ang napakabigat na mga karanasan. Ngunit sa kabilang banda, naisip ko, bakit si Adele, ang isinulat na mga kanta puro tungkol sa boypren niyang walang kwenta tapos sikat na siya? 21 anyos lang din naman ako ah. At saka may hawig naman kami eh. (Mas pogi lang ako ng ilang paligo. Chos).
Baka naman kung isulat ko nang maayos, sa abot ng aking makakaya, may magbasa ng malungkot na blog entry na ito. Pero pasensya na rin at hindi ito masayang Christmas-post.
Unang pampalungkot ng Pasko
Noong ikalawang linggo ng Disyembre, pagkagising na pagkagising ko, pinagalitan ako ng aking nanay dahil masyado daw akong late umuwi. “Overdramatic. Hindi late ang 3 a.m., mehn!” sabi ng utak kong halos nasa REM pa at wala pang kakayahang makipagtalo nang matino.
Sabay idinagdag niya, “Narinig mo na ba ang nangyari sa Tita mo?”
Uh oh. I’ve heard this line before. Agad-agad halos alam ko na sasabihin ng nanay ko, pero hoping against hope, tinanong ko siya, “Ano?”
“Patay na siya. Biglaan lang, aneurysm daw.”
Napakabigat at napakalungkot. Malaki kaming pamilya, kaya statistically, marami ring namamatay sa amin. Ang pangit namang sabihing sanay na ako, pero pagkatapos ng initial na bugso ng lungkot at pagkadismaya, kadalasan pagkatapos kong maihinga nang malalim at maidasal, kaya ko nang balikan ang trabaho para sa araw ko. Pero hindi ganoon ang nangyari nang malaman kong pumanaw si Tita . Buong araw akong balisa at kahit hanggang ngayon, kung naiisip ko, napapaluha pa rin ako. At sa kasamaang-palad,hindi na ako sanay umiyak kaya lalo lang akong nababalisa. Kalurkey lang.
Sa tingin ko ganito na lamang ang epekto sa akin ng pagkamatay ng tita ko hindi dahil sobrang close naming dalawa. Sa pamilya namin, syempre mas kaibigan ko yung mga pinsan kong ka-edad ko. Pero siya yung tipo ng kamag-anak na kahit hindi mo ka-close, lagi kang masayang makita siya. 37 taong gulang siyang nang mamatay subalit, dati pa, ang tingin ko sa kanya palaging halos ka-edad ko lang. Swak sa kanya yung “forever 21”. Matalino siya, articulate, witty, babaeng bakla, laging tumatawa, laging may joke, laging may bentang pintas. Ang ganda ganda rin niya. Kahit sa kabaong, mukha pa rin siya Meksikanang telenovela star.
Parang napaka-walang rhyme or reason na isang taong tulad niya ang kukunin mula sa piling ng mga mahal niya sa buhay nang biglaan. Parang hindi fair.
May asawa siya, dalawang anak (12 at 7 taong gulang), at isang inang laging sinasabing siya na lang sana ang kinuha ng diyos imbis na ang kanyang anak. Mas masakit daw mawalan ng anak kaysa mawalan ng magulang.
Pangalawang pampalungkot ng Pasko
Akala ko naman kung anong tropical depression chenes lang yun. Yun pala mala-Ondoy na ang sinapit ng mga kababayan natin sa Cagayan de Oro at mga karatig-pook. Nangamba ako dahil marami akong kakilala mula sa mga lugar na naapektuhan ng bagyong Sendong. Hindi lang kakilala na parang nakasayaw ko sa isang gabi sa isang club (chos) o parang naging kaklase ko lang isang beses sa isang GE at nakausap ko lang twice in my entire life. Kakilala na araw-araw kong nakakasama, mga taong gusto kong makasama at hinahagilap ko upang lumabas, at makipagkuwentuhan kasama ko. Buti na lang ay agad kong nakita ang facebook update ng mga kaibigan kong iyon na nagsasabing sila ay ligtas, ngunit nangangamba para sa kanilang mga kababayan.
Higit pa, dahil naatasan akong magcompile ng mga paraan upang makatulong sa mga nasalanta ng bagyo, sa prosesong ito ng paghahanap ng impormasyon, nabasa ko rin kung ilang mga buhay ang nasawi, ilang katao ang nawawala pa, gaano karami ang walang tirahan at ari-arian. Minsan kapag iniisip ko, hindi ko alam kung sino ang mas kaaawaan ko – yaong mga nasawi, o yaong mga naiwan nang nawalan ng mga mahal sa buhay at ari-arian.
Kahit noong noche buena namin, nauwi ang usapan sa nangyari sa Mindanao, at hindi naging masaya ang pakiramdam noon, nang magkwento ang ilan kong mga kamag-anak na ang kanilang mga kaibigan ay hindi naging kasing-swerte ng mga kaibigan ko. Iniisip ko minsan, “Paano kung sila iyon?”
Ang kabuluhan
Mayroon tayong Santa Claus na ginagawa nating maskot, personipikasyon ng kasiyahan ng Pasko. Outfit pa lang alam mo nang kasaganahan at ligaya ang dating niya. Sa katunayan, kung hindi malapit sa iyong karanasan ang Pasko, maaaring isipin mong maskot si Santa Claus ng Chinese New Year. Grabe lang makapag-red si kuya eh. Prosperity kung prosperity.
Pero sino ang maskot natin kung malungkot ang Pasko? Kung imbis na kasaganahan, ang dala nito ay kamatayan, sakuna, kalungkutan at pag-iisa? Sino ang magiging maskot ng mga taong mula ngayon hanggang sa mga susunod na Pasko ay may masakit na alaalang gugunitain?
Sa Samahan ng Malamig ang Pasko, ibang klase ang healing powers ng kapwa, at tingin ko, sila ang mukha ng ating Pasko. Kung si Santa dala ay saya at kasaganahan, ang kapwa mong kaagapay mo sa problema at kawalan, dala ay pag-asa.
Kaya para sa inyo, na nagdala ng pag-asa sa Pasko ko, na nakipagkuwentuhan, nakipagbiruan, nakipag-inuman, nakipagkantahan, nakipag-asaran, maraming salamat. Kayo ang Pasko ko. At sa inyo, kung nagdala kayo ng pag-asa sa Pasko ng iba, na nag-donate, na nag-volunteer, na nagpacute sa mga magulang at kaibigan upang mag-donate din, na tumulong sa anumang paraan, maraming nagpapasalamat sa inyo.
Blue Christmas
Bukid
UP Buklod-Isip