Ilang buwan na nga ba ang nakalipas mula noong nagsimula tayong mapalapit sa isa’t isa? Anim? Pito? Hindi ko na tanda. Mas naaalala ko pa ang mapuputi mong ngipin at ang malalalim mong dimples na lumilitaw sa tuwing ikaw ay ngingiti. Sariwa pa sa aking alaala ang iyong bawat pagtawa sa aking mga biro na marahil ay tinatawanan mo lang dahil nahihiya kang sabihing korni ako. Paulit-ulit pa ring tumutugtog sa aking isipan ang kantang pinarinig mo noon—kantang ikaw mismo ang gumawa. Naaalala kong sinabi mo na mahal mo ang musikang Pinoy. Alam ko noon pa lang na tayo ay magkakasundo.
Mabilis tayong nakapagpalagayang loob sa isa’t isa. Marahil ay dahil magkatulad tayo ng kontekstong pinagmulan o dahil marami tayong pinagkakasunduan. Anuman ang rason, alam kong isa ka na sa mga taong pinahahalagahan ko. Sa lalim ng naging tunguhan natin kahit sa maiksing panahon pa lamang ng pagsasama, napatunayan kong ang pagkakaibigan natin ang isa sa mga bagay na pakaiingatan ko.
Mahilig kang umawit at tumugtog ng gitara. Maraming kantang Pinoy ang sa iyo ko lamang unang nakilala. Mahilig ka ding kumain ng kwek-kwek, Butsi at Isaw. Nang dahil sa’yo natuto akong kumain ng lamang loob ng manok at baboy. Sa bawat pagsawsaw sa sukang inihanda ni manang, maraming usaping makabuluhan ang ating natalakay—mula sa hindi pagtangkilik ng nakararami sa OPM (at ang pagkadismaya mo rito) hanggang sa kung paanong napakayaman ng ating kultura at kung paano ito nakaambag sa ating pagkatao bilang isang Pilipino.
Paano ko nga rin ba malilimutan ang ating parehong pagkahumaling sa mga palabas sa sinehan? 3 pelikulang Indie rin ang ating napanood at naging sentro ng ating mga diskurso. Marami ring mga lumang pelikulang Pinoy ang ating muling pinanood at sinariwa. Sinubukan pa nga nating mag-ala Basha at Popoy sa pagpapalitan ng mga linyang “Poy, ako na lang ulit..” at “She loved me at my worst. You had me at my best and you chose to break my heart.” kasabay ng pagtulo ng luha sa ating mga mata. Nakakatawa. Ang dami pala talaga nating pagkakatulad at pinagkakasunduan.
“Lumipas, mga araw na ubod ng saya…” eka nga sa kanta ng Up Dharma Down na Oo. Patuloy na lumalim ang ating pagkakaibigan. Mas nakilala natin ang isa’t isa. Nalaman kong malaki ang pagpapahalaga mo sa pamilya mo—isang bagay na sa akin din ay mahalaga. Nalaman kong mas nais mong sabihin ang mga katagang “Mahal kita” kesa “I love you” dahil para sa’yo mas nakukuha nito ang tunay mong nararamdaman. Mas natural. Mas malaman. Mahalaga rin pala sa’yo ang iyong mga kabarkada. Lagi ka pa ngang nakikipagkita sa kanila eh. Sabi mo ring bilang pinakamatalik mong kaibigan, ako rin ay mahalaga sa’yo. Aww. Puso ko’y biglang natunaw.
Hindi nagtagal, unti-unting nahulog ang loob ko sa’yo. Hindi ko ipagkakailang nakararamdam ako ng kilig sa bawat pagtawag mo ng aking pangalan. Hindi ko ipagkakailang malaki ang naging epekto sa akin ng pagkagusto mo at pagpapahalaga mo sa musika at kulturang Pinoy. Dagdag pogi points ka sakin, eka nga nila. Hindi ko itatangging labis mo akong napasaya nang minsang sumama ka sa aming manood ng No Other Woman, kahit na ba puro babae kami sa 118 group at sa tingin ng iba ay jologs yung pelikula. Kaninong puso nga ba ang hindi matutunaw noong ako ay bigla mong sinurpresa at hinarana noong aking kaarawan? Ay puso. Kay bilis ng iyong pagtibok.
Mahalaga sa’yo ang mga tao at mga bagay na mahalaga sa akin. Mahal mo ang bansang Pilipinas at ang bawat Pilipino. Sayang. Kung pormal mo lang na nakilala ang SP, siguro sobra mo na ding minahal yun katulad ng pagmamahal ko sa’yo este dito….sa SP.
Maraming pagpapahiwatig at pakikiramdam ang namagitan sa ating dalawa. Bakit ba kasi napakahirap sabihin ng mga salitang “Mahal kita”. Bakit ba kasi kailangan ko pang magpakulong sa itinakda ng kultura na lalaki ang dapat na unang umamin, na lalaki ang dapat na manligaw. Hindi mo naman ipinaramdam sa aking angat ka sa akin dahil lalaki ka. Pinahalagahan mo pa rin ang kakayahan ko bilang babae. Tsek ka sa akin diyan. Pagsasakapangyarihan sa naisasantabi, tsek na tsek. Pero dahil sa pagkakaron ng mataas na ambiguity sa ating relasyon at kontektsto bilang magkaibigan o magka-ibigan, nahirapan tayong makitungo sa isa’t isa.
Buti na lang naging mas malakas ang loob mo kesa sa akin para sa wakas ay sabihin ang mahiwagang mga salita. “Mahal kita” ang sabi mo. “Maraming salamat” ang tugon ko. Labo diba? Siguro ay nagpapasalamat akong naging malakas ang loob mo o dahil dumating ka sa buhay ko. Sinabi ko ring Mahal kita at iyon na ang naging simula ng panibagong yugto ng ating relasyon.
Isang masayang storya na naman ang ating sisimulan….at hiling ko’y wala nang katapusan.
Marami na tayong pinagdaanan. At alam kong marami pang pagsasaluhan. Magkasabay pa nating payayabungin ang kultura at musikang Pinoy gamit ang aking salita at iyong tono. Patuloy pa rin nating pahahalagahan ang ating pamilya at barkada. Marami pa tayong pag-aaralang lutuin na pagkaing Pinoy. Marami ka pang ipatitikim na mga streetfood sa akin. Magkasama pa tayong maglilibot sa bansang pareho nating kinalakihan. At patuloy pa nating ipararamdam ang kahalagahan ng bawat isa sa ating buhay.
Siguro nga noon, bilang kaibigan ay mahal kita. Pero ngayon, ikaw ay iniibig ko na.
DISCLAIMER: Anumang pagkakatulad sa karanasan o inyong sariling kwento ay hindi sinasadya ng may akda. Ito ay purong kathang-isip lamang
Iska
Bukid
UP Buklod-Isip