Hindi lahat ng tao iisa ang pakay sa isang rally.
Madalas kasi pag iniisip natin ang rally, feeling natin lahat ng tao roon ay pare-pareho ang iniisip. Pero hindi. Totoo, may ilang mga bagay silang pare-parehong pinagtutuunan ng pansin (kanina, yung pagpapalakas ng mga karapatan ng manggagawa syempre) pero bawat grupo ay may kani-kanyang dahilan ng pagtuon ng pansin sa isyung iyon, at may sari-sariling paraan ng pagkamit ng mga pagbabagong nais nila.
Kanina, halimbawa, may mga nagtatawag para sa sosyalismo. Hindi lahat ng tao payag dun. May mga nagtatawag ng pagtanggal sa evat. Subalit may mga tao sa hanay ng mga rallyista na naniniwalang mahalaga ito. Mayroon pa ngang mga nagsama ng isyu ng RH Bill habang nagtatalumpati samantalang may misang ginanap sa pagtatapos ng rally.
Hindi lang iisa ang mukha ng masang Pinoy. Kadalasan kasi may tendency akong pag-isahin lang lahat ng taong opressed o marginalized at tawagin silang “masa”. Basta hirap sa buhay yun na yun. Nawawalan tayo ng personal na pagkilala sa kanila, at sa tingin ko, nababawasan din ang ating simpatya at dedikasyong makatulong sa kanila.
May iba-iba silang pinanggagalingan at katayuan. May iba-iba silang agenda at pangangailangan. Kanina, may mga tagapagsalita na mag-aaral, mga nanay, mga anak ng manggagawa, mga manggagawa mula sa probinsya, mga manggagawa mula sa gobyerno, mga manggagawa mula sa private sector. Dapat di ako nagulat, pero nagulat ako.
Naniniwala tayong hindi mahihiwalay ang tao sa kanyang lipunan kaya bilang mga sikolohista, upang maintindihan at matulungnan ang masang Pinoy, kailangan nating kilalain kung sino ang mga taong ito bilang mga kasapi ng lipunan. Kahit ba sabihin nating lagi naman nating iniisip kung paano makatutulong sa masang Pilipino, hindi natin laging naiisip na kalakip nito ang palagiang pagkilala sa kung sino ang masang ito.
Viko Fumar
Bukid
UP Buklod-Isip