Musika, aking natuklasang mag-isa.
Sa murang edad, hindi sumagi sa isip ko na matutong tumugtog o kumanta. Ngunit sa paglipas ng panahon, tuwing makaririnig ng mga awitin, hindi ko mapigilian ang kilgin at mamangha. Nagkaroon ako ng pakiramdam na mas mainam siguro kung ako mismo ang makagagawa ng mga tono na aking naririnig. Naglakas loob akong subukan ito.
Malaking papel ang ginampanan ng aming piano sa bahay. Tuwing walang magawa, tutugtog ako ng simpleng Do Re Mi at minsan ay mga random na nota. Mag-isa kong pinakinggan at mag-isa ring sinubukang kapain ang mga tono ng awitin upang matugtog sa piano. Makalipas ang ilang taon, umabot sa punto na nakababasa na ako ng mga chords at piyesa at nakatutugtog na rin ng gitara at drums. Naging libangan at pampatanggal ng pagod ang tumugtog sa bahay at maging sa aming paaralan. Umabot sa puntong nagamit ko rin ang talentong ito noong maging piyanista ako ng aming koro sa hayskul.
Sa aking pagkatutong tumugtog ng instrumento, SP meron ba?
Ang pagkanta sa una ay pangangailangan lamang sa akin. Sa aming paaralan, kailangang pumili ng club sapagkat parte ito ng kabuuang grado at sa isang koro ako nakapasok. Unti-unti ay natutunan ko nang maappreciate ang pagkanta kumpara sa pagiging obligasyon nito dati. Naging parte ako ng boses na bass hanggang makarating ako ng ikaapat na taon. Sa taon ding ito, ako ang hinirang nilang choir master sapagkat napalago ko na ang kaalaman ko sa pag-awit. Naging hamon sa akin ang paghasa at ang pagbuklod ng mga boses ng mga miyembro ng koro namin noon. Nagpatuloy ang aking kaalaman hanggang kolehiyo nang sumali ako ng mga koro sa kolehiyo tulad ng Himig Buklod.
Sa paglago ng aking kaalaman sa pagkanta, SP meron ba?
Sa pagkatuto ko ng sining ng musika, hindi ko mapigilian ang mapaisip sa kung saan ito nagmula. Inisip ko kung ipinanganak ba ako na may pagkiling na sa musika o produkto ba ito ng lipunan o paghubog ng iba. Sa una nakuntento ako sa sagot na marahil nasa akin na ito mula noong ako ay ipinanganak sapagkat ang pagkatuto ng musika ay nagawa ko nang mag-isa, walang pormal na pag-aaral at kusang pinagtrabahuhan. Sa mga panahong ito, inaamin ko na masyadong naging mababaw ang aking pananaw sa mga bagay-bagay, ipinatungkol ang lahat ng papuri sa akin at tila nagkaroon ng labis na tiwala sa aking sarili.
Ngunit sa pagdaan ng panahon, sa patuloy na pagninilay at sa pagtatagpo namin ng Sikolohiyang Pilipino, mas nakikita ko na ngayon ang kabuuang larawan sa aking kaalaman ng musika: may papel ang iba, hinubog ako ng lipunan.
Sa pagtugtog ng piano, ang papel ng ibang tao ay naging mahalaga pala: ang aking nanay na may kaalaman din sa piano at gitara na habang tumutugtog noong bata ako ay nabibigyan ako ng saya (Siya pala ang aking inspirasyon), aking tito na paminsan-minsang tumutugtog ng piano sa bahay na aking pinagmamasdan sa kanyang pagtugtog ng chords at kinapupulutan ko ng technique (Siya pala ang nagsilbing guro sa akin kahit di-tuwiran), ang mga piyanista sa aming koro dati na kung saan ko namasdan ang pagtugtog gamit ang piyesa (Sila pala ang kaibigang naging gabay ko sa pagkatuto), at ang koro kung saan ako ang naging piyanista (Ito pala ang nag-udyok sa akin na ipagpatuloy ito).
Sa pagkanta marami ring indibidwal ang nagkaroon ng mahahalagang papel sa pagkatuto ko nito: marahil ang aking mga magulang na sa paghele nila noong ako ay sanggol ay doon ko napupulot ang unang kaalaman ko sa pagkanta (Sila pala ang unang nagpakilala sa akin ng musika), ang lolo ko na dati ay pinapakanta ako upang siya ay makatulog (Siya pala ang isa sa mga inspirasyon ko), ang koro noong hayskul na kung saan ako naging puno (Sila pala ang nagbigay ng hamon kung saan pinaghusay ko ang aking kaalaman), ang Himig Buklod na nakasama ko ngayong kolehiyo (Sila pala ang nagpakita na may kasiyahan sa musika at mas magiging mahusay ang pagkanta kung magkakaisa).
Tunay ngang hindi maaaring ihiwalay ang sarili sa lipunan sapagkat patuloy kang hinuhubog nito. Kahit sa di-tuwirang paraan, maraming naibibigay na kaalaman at mahahalagang impluwensiya ang iba sa pagkatuto mo ng isang bagay. Hindi mo maaaring ikaila na sa iyo lahat galing kung ano ang meron ka sapagkat may papel ang mga nakapaligid sa iyo sa kung ano ang narrating mo ngayon.
Musika, aking tutuklasin nang may kasama.
Mac Manalang
Bukid
UP Buklod-Isip