Ang Buklod-bolaryoAVE (Aklatang Virgilio Enriquez)
/ah-veh/ Ang aklatan ng Departamento ng Sikolohiya na matatagpuan sa PHAn 305. Dito madalas matatagpuan ang mga Kids tuwing Huwebes at Biyernes. Bebe /beh-beh/ Ang tawag sa isang miyembro ng lupon na hindi Bos Tsip. BT (Bos Tsip) /bos-chip/ Ang tawag sa namumuno ng isang lupon. Maaari din siyang tawaging "Mommy/Daddy" ng lupon na kanyang kinabibilangan. AKA Committee Head BTT (Bos Tsip Tsip) /bos-chip-chip/ Ang nanay o tatay ng lahat ng Kids. Siya ang pinaka-bos tsip sa lahat ng bos tsip at tungkilin niyang pamunuan ang Bukluran. AKA Pangulo Bukbok /book-bohk/ Ang tag-uri sa mga miyembro ng Bukluran na nakatapos na sa pag-aaral sa kolehiyo. Iniimbita sila tuwing Anniv Night at hinihingian ng tulong at mga payo. AKA Alumni Bukbook /book-book/ Tumutukoy ito sa talasulatan ng mga Kids na kasapi at naging kasapi ng Bukluran. Hindi ito maaaring buklatin at basahin ng mga Lets. Bukid (Kids) /book-keeds/ Ito ang katawagan sa lahat ng miyembro ng Bukluran na nakatapos ng proseso ng aplikasyon at napagdaanan na din ang Induksyon. AKA Miyembro Buklet (Lets) /book-let/ Ito ang tawag sa mga nag-sulat sa sign-up booth at nagdesisyong ituloy ang aplikasyon upang maging bahagi ng Bukluran. AKA Aplikante Bukling /book-ling/ Ginagamit na pantukoy sa anak ng dalawang Bukbok. Buklod song /buk-lod sohng/ Isang awitin na kinakanta ng Bukluran sa katapusan ng isang pagpupulong o ng isang gawain na nakapwestong pabilog at makakahawak ang mga kamay (kanan sa itaas ng kaliwa). Buklod/Bukluran /buk-lod/ o /buk-loo-ran/ Ang pinaikling tawag sa UP Bukluran sa Sikolohiyang Pilipino. Maaari rin gamitin ang UP Buklod-Isip o Buklod Isip upang tukuyin ang organisasyong ito. Buklove /book-luhv/ Ang pagmamahalang Bukluran: kapamilya ka na, kapuso pa, kapatid pa, at ka-Buklod pa! Saan ka pa, 'di ba? Daluyan /da-loo-yan/ Ang opisyal na pahayagan ng Bukluran. Doc E /dok-ih/ Ang sikat na pagkakakilanlan kay Dr. Virgilio Enriquez na tinaguriang Ama ng Sikolohiyang Pilipino. LT (Lupong Tagapagpaganap) /el-ti/ Ito ang lupon na binubuo ng mga BT ng mga lupon at pinamumunuan ng BTT. Sila ang namumuno sa mga gawain ng Bukluran at nagtataas sa GA ng mga kailngang pagdesisyunan. AKA Executive Committee LuGaw (Lupon ng Gawaing Pangkalinangan) /loo-gaw/ Hindi ito nilalagyan ng toyo, kundi ang lupon na nagsasagawa ng mga gawain para ipaunlad ang sining at kulturang Pinoy, tulad ng Tsibugan at Sayawitsan. LuKas (Lupon ng Kasapian) /loo-kas/ Ang lupon na namamahala sa aplikasyon ng mga Lets at nangangalaga sa mga pangangailangan at sentimenyento ng Bukids. LuPag (Lupon ng Pag-aaral at Pananaliksik) /loo-pahg/ Ang lupon na namamahala sa mga pananaliksik at paglinang sa kaalaman at pag-unawa sa mga miyembro ng Bukluran sa SP (tulad ng ACLE). LuPak (Lupon ng Aklatan) /loo-pahk/ Ang bouncer ng AVE. Namamahala ang lupon na ito sa schedule ng pagbantay sa AVE at pag-organisa nito. LuPan (Lupon Pananalapi) /loo-pahn/ Ang lupon na pera lang ang iniisip - paano gumawa nito, paano gumastos nito, at paano sabihing wala na tayo nito. Lupon /loo-pohn/ Isang komite sa Buklod. LuPaP (Lupon ng Paglalathala't Publisidad) /loo-pahp/ Ang lupong nagpapakalat ng angking kagalingan ng Kids sa pagguhit, pagdidisenyo at pagiging malikhain sa maraming bagay, tulad na lang ng website na ito. LupUs (Lupon ng Ugnayang Panlabas) /loo-puhs/ Ang lupong nakikipag-ugnayan sa mga affliates ng Bukluran. SK (Salingkid) /es-kei/ Ang tawag sa Let na natapos na ang proseso ng aplikasyon maliban na lang sa Induksyon. SP (Sikolohiyang Pilipino) /es-pih/ Ito ang itinataguyod ng Buklod-Isip na dapat kilalanin at ipalaganap sa buong bansa. Tambuk /tahm-book/ Opisyal na tambayan ng Buklod-Isip na matatagpuan sa Silangang Bahagi ng Bulwagang Palma, UP Diliman, Quezon City. Maingay dito kadalasan. Wow Kid /wahw-keed/ Ang parangal na iginagawad sa isang Bukid na kapansin-pansin ang pagiging bibong bahagi ng Bukluran sa isang semestre Wow Let /wahw-let/ Ang parangal na ginagawad sa pinakabibong let na nakakamit ang pinakamataas na puntos sa application process. Wow Lupon /wahw-lupon/ Ang parangal na iginagawad sa pinakabibong lupon ng Bukluran sa isang semsetre. |
Ang UP Bukluran sa Sikolohiyang Pilipino o UP BUKLOD-ISIP ay isang pang-akademikong organisasyon ng mga mag-aaral ng sikolohiya. Pangunahin sa mga isinusulong nitong samahan ay ang pagtataguyod at pagpapalaganap ng Sikolohiyang Pilipino (SP), isang sikolohiyang sumasalamin sa diwa ng sambayanang Pilipino, at tumutugon sa mga pangangailangan at adhikain nito; isang sikolohiyang malaya, mapagpalaya, at mapagpabagong-isip.
UP Buklod-Isip sa Facebook UP Buklod-Isip iskWiki! page SP: Suot Pinoy sa Facebook Tumbuk: SP Blog Contact Us Quick Links Mga Ugnayan Diksyonaryo ng Buklod Kasaysayan ng Buklod Gallery ng Mga Gawain Mga Miyembro |