UP Bukluran sa Sikolohiyang Pilipino
  • Tahanan
  • Ang Bukluran
    • Kasaysayan ng Buklod
    • Mga Paninindigan at Adhikain
    • Preyambol
    • Buklod song
    • Kasapian>
      • Mga Lupon
      • Proseso ng Pagsapi
      • Bukid
      • Buklet
    • Tambuk
    • Mga Ugnayan
  • Mga Gawain
    • 2011-2012
    • 2012-2013
    • 2013-2014
  • Ang Sikolohiyang Pilipino
    • Kasaysayan ng SP
    • Sa'n na si SP?
  • Mga Produkto
    • SuotPinoy
    • Buklod Shirts
  • Mga Talaan
    • Ang Daluyan
    • Tumbuk: SP Blog

Sikolohiyang Malaya at Mapagpalaya

Titik: Armando "Ding" De Jesus
Musika: Rainier Reyes

Mistulang pangarap ang isang hangarin
Na walang pag-asang hagilapin
Ng isipang pinilit talian
Ng isipang pinilit gapusan

Mistulang panaginip, malimit lumapit
Kabuluhan, kabuluhan, iginigiit
Subalit buong lakas na sinasaghan
Ng isipang gapos sa masikip na kulungan

Mukha'y tinatakpan habang damdami'y sinisilaban
Ng mga katanungang di matakasan
Nasaan ang sikolohiyang sinasamo?
Ang sikolohiyang walang pagbabalat-kayo

Kaya't halina, mga kasama
Tapusin na ang pag-iisa
Panaginip mo'y gawing katotohanan
Pangarap mo'y makakamtan

Halina, mga kasama
Isipa'y hayaang lumaya
Sikolohiya'y gawing malaya
Sikolohiya'y gawing mapagpalaya

Halina, mga kasama
Lahat tayo'y magbukluran na
Hangarin mo'y hangarin ko
Tagumpay mo'y tagumpay ko
Picture
Ang UP Bukluran sa Sikolohiyang Pilipino o UP BUKLOD-ISIP ay isang pang-akademikong organisasyon ng mga mag-aaral ng sikolohiya. Pangunahin sa mga isinusulong nitong samahan ay ang pagtataguyod at pagpapalaganap ng Sikolohiyang Pilipino (SP), isang sikolohiyang sumasalamin sa diwa ng sambayanang Pilipino, at tumutugon sa mga pangangailangan at adhikain nito; isang sikolohiyang malaya, mapagpalaya, at mapagpabagong-isip. 

UP Buklod-Isip sa Facebook
UP Buklod-Isip iskWiki! page
SP: Suot Pinoy sa Facebook
Tumbuk: SP Blog

Contact Us

Quick Links
Mga Ugnayan
Diksyonaryo ng Buklod
Kasaysayan ng Buklod
Gallery ng Mga Gawain
Mga Miyembro


Powered by Create your own unique website with customizable templates.