Kasaysayan ng SPIsang tagpo: Si Juan ay nagbabasa ng isang magasin. May nakita siyang isang test daw dito na susukat kung papaano nga ba siya kikilos sa bawat pangyayari. Hindi naging akma ang resulta ng test na ito dahil hindi rin sumasakto sa kanyang personalidad at pag-uugali ang mga pagpipilian. At ang magasin, mula pala sa ibang bansa.
Kung ilalagay ito sa konteksto ng disiplina ng Sikolohiya, suriin natin. Hindi pa ba sapat ang mga konsepto at teoryang nakalatag na at napagaaralan natin? Hindi pa ba ito magagamit dito sa atin? Umusbong ang Sikolohiyang Pilipino (SP) sapagkat nakita ni Doctor Enriquez, ang ama ng SP, ang mga pagkukulang ng sikolohiya. May mga bagay itong hindi binibigyan ng karampatang bigat ang konteksto ng isang Pilipino. Sa pagsusuri sa sikolohiya ng mga Pilipino, hindi maaaring isantabi ang kulturang umiiral, lalo pa at multi-kultural at multilinggwal ang ating lipunan. Mahalagang tunghayan ang mga nagbubuo sa kontekstong ginagalawan ng isang tao upang maging mas akma ang pagkilos na gagawin upang makatulong sa kapwa. Mas mahalaga ang pagbibigay kabuluhan at kahulugan sa mga bagay na ayon sa lente ng karanasan, kaisipan, at oryentasyong Pilipino. Mahalagang isipin na bagamat sa perspektiba ng SP ay naka-angkla sa kulturang Piliino hindi ibig sabihin nito ay hindi na magagamit ang mga konseptong napapaloob sa kanluraning sikolohiya. Magagamit ito kung isasakonteksto natin ang teorya o konsepto ng ayon sa karakterisasyong Pilipino. Mas magiging epektibo ang teorya kung ganito ang gagawin. Kung naisaalang-alang sana ang kultural na kontekstong Pilipino, baka mas naging maganda ang resulta ng test na kinuha ni Juan. |
Ang UP Bukluran sa Sikolohiyang Pilipino o UP BUKLOD-ISIP ay isang pang-akademikong organisasyon ng mga mag-aaral ng sikolohiya. Pangunahin sa mga isinusulong nitong samahan ay ang pagtataguyod at pagpapalaganap ng Sikolohiyang Pilipino (SP), isang sikolohiyang sumasalamin sa diwa ng sambayanang Pilipino, at tumutugon sa mga pangangailangan at adhikain nito; isang sikolohiyang malaya, mapagpalaya, at mapagpabagong-isip.
UP Buklod-Isip sa Facebook UP Buklod-Isip iskWiki! page SP: Suot Pinoy sa Facebook Tumbuk: SP Blog Contact Us Quick Links Mga Ugnayan Diksyonaryo ng Buklod Kasaysayan ng Buklod Gallery ng Mga Gawain Mga Miyembro |