Noong bata pa ako, naniniwala ako kay Santa. Tuwing darating ang buwan ng Disyembre, nagsasabit ako ng medyas sa may bintana namin para madaling makita ni Santa ‘pagdaan n’ya. Wala naman kaming chimney kaya sa bintana na lang, hindi pa s’ya mahihirapan! Maaga akong natutulog palagi para makadaan na agad si Santa, baka kasi mapuyat s’ya sa pag-ikot sa buong mundo. Walang palya, palaging may laman ang medyas ko, kaya naman palaging ang saya-saya ko.
Isang beses sumulat ako kay Santa para humingi ng Barbie Doll, ‘yung napapalitan ng kulay ang buhok. Nilagay ko sa medyas ko ‘yung sulat para makita n’ya. Paggising ko mga kendi lang ang laman ng medyas ko. Nalungkot ako nun. Bakit kaya hindi binigay ni Santa ‘yung gusto ko? Ang sabi ni Mama baka daw kasi hindi kasya sa medyas ‘yung Barbie. Kaya nung gabing ‘yun sumulat ulit ako kay Santa para humingi ng Barbie, pero ngayon stockings na ang sinabit ko para magkasya.
Hindi ko na matandaan kung binigay ba ni Santa ‘yung Barbie o hindi, ang tanda ko lang ay simula noon stockings na ang ginamit ko pangsabit at simula din noon kay Mama ko na tinatanong ang mga posibleng dahilan kung bakit hindi naibibigay ni Santa ang mga gusto ko.
Lumipas ang panahon at nalaman kong hindi totoo si Santa. Nasaktan ako sa aking natuklasan, at nalungkot dahil hindi na ako maaari pang magsabit ng stockings at humingi ng regalo. Malaki na raw ako, at pambata lang si Santa Claus.
Kahit na si Santa ay mga magulang lang naman talaga natin, naniniwala akong mahalaga pa din na maloko tayo ng ating mga magulang sa kanilang pagpapanggap. Bukod sa isa itong nakakatuwang karanasan, nakakataba din ng pusong maisip sa ating pagtanda na minsan ay nagbuhos ng oras ang ating mga magulang para tayo ay pasayahin kahit na hindi sa kanila mapupunta ang pasasalamat natin. Nakakatuwa din isipin na sa pamamagitan ng isang “Santa Claus”, matututunan natin sa murang edad na may magagandang kapalit ang ating pagiging mabuting tao (o “mabait na bata”). Sa paniniwala ko din kay Santa natutunanan na may mga taong nagpapanggap (minsan para sa ikabubuti mo, minsan hindi) at may mga pagkakataon na ang pinaniniwalaan mo ay iba pala sa katotohanan. Ang pinakahuli (at siguro pinakamahalaga) na natutunan ko kay Santa ay hindi ko makukuha lahat ng hinihingi ko, at may rason kung bakit –pwedeng dahil walang paglalagyan nito sa buhay ko (tulad ng hindi pagkasya sa medyas) at pwede din naman dahil malaki na ako at inaasahang kaya ko na kunin ang mga bagay ng hindi umaasa sa iba.
Ngayong nasa kolehiyo na ako at nalalapit na ang Pasko, nagimbal ako nang malaman kong may mga taong hindi kailanman naniwala na may Santa Claus at hindi naranasang magsabit ng medyas at makatanggap ng regalo galing kay “Santa”. Hindi ako naniniwala na may mga taong dumaan sa pagkabata ng walang Santa Claus. Siguradong kahit papaano ay meron din silang pinaniwalaang isang tao o bagay –pwedeng ang nanay, tatay, lolo, lola, peyborit anime, si San Goku, si Naruto, ang mga ninja ng Konoha, si Lucy o si Natsu, si Conan, si Luke Skywalker, si Harry Potter, ang kanyang alagang aso, ang punda ng kanyang unan, atbp. –na nagturo sa kanila ng ilang katotohanan ng buhay, tulad ng pagpapanggap ng tao, pagkamit ng regalo o gantimpala, at pagtuklas na hindi lahat ng inaasahan mo ay mangyayari at magiging totoo. Minsan mas maganda pa ang aktwal kesa sa iyong akala, tulad na lang ng katotohanang si Mama pala si Santa –at mawala man si Santa, ang Mama ko ay mananatiling nandyan para maghangad ng kaligayahan ko, kahit hindi Pasko.
Ayun.
Ikaw, sinong Santa mo?
Daryl Yang
Bukid
UP Buklod-Isip