Ang SP ay parang Pers Lab
1. Sa unang mga araw at linggo iyo siyang kikilatisin. Magtatanung-tanong sa mga nakakakilala na sa kanya.
2. Magugulat sa dami ng ideyolohiyang pareho ninyong nais pangatawanan at itaguyod. O para mas simple ay parang nagkakaintindihan kayo.
3. Mararamdamang parang “Oo nga, ito na nga yung hinahanap ko.”
4. Mas kikilalanin pa.
5. Magkakaroon ng pagkakataong bigla kang maguguluhan, at malilito sa kabuluhan niya sa iyo. Parang pakiramdam mo, hindi mo talaga siya kilala.
6. Magbabakasakali sa mga asampsyon mo tungkol sa kanya, kaya magtatanong ulit.
7. Babalik sa bilang 3.
8. Makikita ang kanyang mga kalakasan.
9. Pati na rin mga kahinaan, ngunit hindi nito nababago ang iyong pagtingin sa kanya.
10. Magkakaroon ng natatagong obligasyong tulungan siyang punan ang kanyang mga kahinaan (pero dahil hindi pa ganoon katagal ang inyong pagsasama ay medyo paunti-unti lang.)
11. Masasabik na makasama siya at mas makilala pa nang lubos.
12. Ipapakilala paunti-unti sa mga kaibigan at pamilya mo pero inaangkop sa bawat tao ang paglalarawan sa kanya upang mas manaig ang kanyang mga magagandang aspeto.
13. Ipagtatanggol sa mga kumikritiko sa kanya.
14. Mapapaisip muli dahil sa mga sinasabi ng ibang tao.
15. Babalik sa bilang 6.
16. Babalik sa bilang 3. Nang paulit-ulit.
Laui Guico
Buklet
UP Buklod-Isip